Julie Anne San Jose, oks lang mabuwag ang love team nila ni Elmo Magalona!

SA INTERVIEW namin kay Julie Anne San Jose sa isang presscon ng apparel at accessories, kung saan siya ang na piling latest endorser, nasabi ni Julie Anne na okay lang kung magbago na siya ng ka-love team. In case na i-partner si Elmo Magalona sa ibang actress ng GMA Network. Katuwiran ng young actress singer, naging magkaibigan na sila ni Elmo. Kahit magkahiwalay sila ay hindi magbabago ang kanilang samahan.

Samantala, hanggang  ngayon ay hindi pa siya nakapagde-decide kung mag-o-audition siya sa isang important part sa Miss Saigon na ang stageplay ay gagawin sa Germany.

Dalawang bagay ang gumugulo sa isip niya. Una ang pag-aaral niya ngayon kung saan ay third year college na siya at ang nasimulan nang magandang career sa GMA7, kung saan naging bida na siya sa movie na Just One Summer at sa team up nila ni Elmo Magalona sa Party Pilipinas. Bukod pa rito, siya’y may nagawa nang certified self-titled gold album na released ng GMA Records. ‘Di maisip ni Julie Anne na kapag napili siya sa role ay tatagal siya ng 2 to 3 years sa abroad. Paano na ang local career niya?

Bukod pa rito, kapipirma lang niya ng kontrata bilang image model ng isang clothings and accessories na ang kanyang mukha ay babalandra sa mga buses na bibiyahe sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

First time na nagkaroon ng endorser ng naturang clothing and accessories na may 20 branches all over the Philippines na magtatagpuan sa mga malls na taga GMA Artist Center at certified GMA 7 star na gumawa ng pangalan sa YouTube bilang pinaka- maraming na-download na awitin na maraming viewers. Kaya napili siya ng management nito na maging image model ng kanilang clothing lines at accessories. Dating image na sinundan ni Julie Anne ay sina Roxanne Guinoo at Phoemela Barranda.
Pinaka-iba ang image ni Julie Anne sa dalawang nabanggit. Kumakatawan siya sa young active girl. Sa ngayon ay 18 pa lang si Julie Anne.

Pero ang kinukonsider ni Julie Anne na kanyang fashion icons ay sina Heart Evangelista at American Lucy Hale.

***

FIRST time naming na-encounter si Isabelle Daza na humimaymay kung bakit siya biglang na-link kay Dingdong Dantes recently. Malaking tsismis ito sa kanilang dalawa ni Dingdong. Diumano’y si Isabelle ang ipinalit ni Dingdong kay Marian Rivera. Pero madali lang namang pinawi ang agam-agam ng mga fans dahil sa nagpa-interview agad si Dingdong sa presscon noon ng hit movie now na Tiktik: The Aswang Chronicles.

Nagkuwento si Isabelle sa presscon ng bagong cooking cum talkshow ng GMA News Channel, Channel 11, ang Taste Buddies. Kasama ni Isabelle dito ang friend niyang si Solenn Huessaff. Ipalalabas ang Taste Buddies simula Oct 27, tuwing Saturday, 5:50 pm.

Ani Isabelle: “Natatandaan ko lang ay nagkasama kami ni Dingdong sa isang corporate affair last year. Kami ang naghu-host ng awarding ng trophies ng golf tournament. Pareho naman kaming okay ng partner ko? Palabiro si Dingdong, ako naman ay kabagu-bago pa lang sa showbiz.”

Pagkatapos ng affair, ayon kay Isabelle, ‘di na sila nagkita pa ni Dingdong kaya mali ang naging tsismis sa kanila ng actor.
000

UBOD ng saya ni Alden Richards ngayon dahil natupad na ang isa niyang pangarap, ang maging recording artist. Noon pa man kasi ay mahilig na siyang kumanta. Narinig naman ninyo siyang kumanta sa Party Pilipinas na kasama nina Elmo Magalona, Jake Vargas, Kristoffer Martin at Derrick Monasterio.

Kamakailan lang ay pinapirma si Alden ng Universal Records para gumawa ng self titled album. Maaaring matapos na ni Alden ang album ngayong October dahil ‘di pa naman nagsisimula ang bago niyang soap. Kasama lang siya ngayong sa bagong pelikula ng GMA Films, ang “Sosy Problem”, bilang leading man sa isa sa mga bidang sina Heart Evangelista, Bianca King, Maxene Magalona at Solenn Huessaff.

Bukod pa rito, maaatupag ni Alden ang mag-pictorial at gumawa ng TV commercials na ‘di niya nagawa nung kasagsagan ng kanyang One True Love taping na naging No.1 soap sa GMA primetime na katambal si Louie delos Reyes.

Dahil sa maraming nag-e-mail at nagtu-Tweet sa GMA 7 na fans nina Alden at Louise, muli namang mapanonood ang One True Love, tuwing umaga bago ang bagong soap ng GMA 7, ang Cielo de Angelina, na bida sina Bea Binene at Jake Vargas.

Tungkol  kay Alden, early next year pa ang susunod na soap niya sa GMA-7 na tiyak na gigimbal sa kanyang fans dahil super laking role ang nakaatang kay Alden.

Alam ba ninyo kung bakit pinapirma agad si Alden ng Universal Records? Iyon ay dahil sa popularidad na nagawa sa kanya ng One True Love. Nakita ng fans sa actor na siya’y leading man material talaga. Magaling sa drama. Bukod pa rito’y super gwapo pa kaya’t kapag pumupunta siya sa mall ay pinagkakaguluhan talaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply