Justice Velasco nag-inhibit sa Cybercrime Law

NAG-INHIBIT na sa kontrobersyal na Cybercrime Law si Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco.

Sa isang kalatas, sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Gleo Guerra na bagaman walang  basehan ang akusasyon ng pagiging bias ni Velasco, minarapat na ng mahistrado na hindi na makilahok sa anumang pagdinig ng SC sa naturang usapin upang maalis ang pagdududa ng iilang sektor sa anumang magiging hatol ng korte sa usapin.

“While the allegation of bias on the part of Justice Presbitero J.Velasco, Jr. in favor of the Cybercrime Prevention Act is totally baseless and bereft of truth as he in fact proposed the issuance of the temporary restraining order (TRO) to bar the enforcement and effectivity of the assailed law, he will nevertheless recuse from the consolidated petitions to erase any doubt or suspicion that preconception may influence or even taint the adjudication of said cases,” ani Guerra.

Magugunitang hiniling ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na mag-inhibit si Supreme Court (SC) Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. sa paghawak sa 15 petisyon laban sa Republic Act (RA) No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa 4 na pahinang manifestation na inihain ng NUJP, isa sa mga petitioner sa kaso, nangangamba ang grupo na hindi maging neutral o patas si Velasco sa pagdedesisyon sa kaso partikular na sa posisyon nito kaugnay sa online libel.

Si Velasco ay nagsampa ng kasong libelo laban kay Marites Daguilan-Vitug, editor-at-large ng Rappler.com.

Kabilang sa mga naghain ng petition kontra cybercrime law sina: Louis Biraogo, ALAM party-list, Disini, et al., Sen. Teofisto Guingona III, Adonis, et al., Rep. Palatino, et al., Bayan, et al., Sta. Maria, et al., NUJP, et al., Castillo, et al., Cruz, et al., the Philippine Bar Association (PBA), and Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Pifa, et al., at National Press Club.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply