Ka-live-in hiniwalayan, utol binoga ng kelot

WANTED sa pulisya ang isang Francis del Rosario nang barilin ang kapatid ng kanyang live-in partner sa Nabua sa Camarines Sur.

Ang suspek na taga-Biñan Laguna ay 28-anyos..

Nabatid na 4:30 ng madaling-araw nang magkaroon ng pagtatalo ang suspek at ang live-in partner nitong si Janice Rebolado, 26, sa Barangay San Antonio.

Lumalabas na habang nagdidiskusyon ang dalawa ay napagbuntunan ni Del Rosario ang 25-anyos na kapatid ni Janice na si Jamer na agad niyang binaril  gamit ang isang improvised shotgun.

Makaraan ng pamamaril, binalikan nito si Janice at pinukpok ng baril sa ulo na agad namang dinala sa pagamutan.

Nakalabas na ng pagamutan si Janice subalit si Jamer ay nanatili pa sa pagamutan dahil sa tama ng bala.

Lumalabas na ang pakikipaghiwalay ng babae ang ugat ng pagtatalo ng dalawa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply