Kagawad binaunan ng bala sa noo, tepok

HINDI na nakapaghain pa ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) ang isang 60-anyos na barangay kagawad na balak tumakbong konsehal sa darating na May midterm election ng barilin ito sa noo sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Rodrigo Dante, may asawa at residente ng Country Village Subdivision sa Brgy. Bari sa nasabing bayan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat,  nagkakape ang biktima ng barilin ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Kumatok pa umano ang suspek sa pinto ng bahay at ng papasukin ito ng barangay kagawad ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril.

Nagawa pang maitakbo ang biktima sa pagamutan ngunit ideneklara na dead on arrival.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply