Kagawad pinatay sa harap ng misis

NASAWI ang isang 68 anyos na Barangay Kagawad nang pagbabarilin ng riding in tandem habang kausap ang asawa sa harap ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Hindi na nailigtas pa ng mga doctor sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Roger Manaquis, may-asawa, ng 1468 Sta Maria, Tondo sanhi ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawang katao na magka-angkas sa isang motorsiklo na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni SPO2 Rodel Benitez ng Manila Polcie District (MPD)-homicide section, dakong 1:30 ng madaling araw nang naganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktima.

Bago maganap ang pamamaril, nag-uusap umano ang biktima at asawang si Carmencita hinggil sa plano nilang pagbisita sa kanilang mga kamag-anak itong darating na Undas nang tumigil sa kanilang harapan ang dalawang kalalakihan na magka-angkas sa isang motorsiklo nang isa sa suspek ay walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Mabilis ding tumakas ang mga suspek nang humandusay ang biktima at naisugod pa ang biktima ng kanyang misis sa nasabing pagamutan ngunit namatay din habang ginagamot.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang kagawad ang motibo sa pagpatay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply