Kahit tsinitsismis na bading: Aktres tinamaan sa morenong aktor

AYAW maniwala ng iba sa namumuong relasyon ng aktres at morenong aktor. Baklita raw kasi ang huli. Pero tsismis lang naman iyon at hindi pa naman napatutunayan.

Pero kung paniniwalaan namin ang tsika ng isang production staff ng malaking network, mukhang mabubuo nga ang namumuong romansa ng dalawa dahil kay aktres na super kilig at mukhang inlababu na raw agad sa aktor.

Sa ibang bansa habang magkasama ang dalawa, parating magkahawak-kamay ang dalawa, pinupunas-punas pa nga raw ng pawis ni babae si lalaki at pagkaminsan ay may yakapan pa raw, huh!

Yaman din lang na tipong decided na si aktres na tanggapin si aktor sa kanyang puso, dapat mag-seminar muna siya sa actress/singer/TV host. Ask n’ya rin ito kung ano ang mga dos and donts kay aktor para magtagal sila.

***

Sports personality pinipilit ang sexy star na ibenta ang condo

NABABAHALA ang friend ng sexy star sa maaaring mangyari sa buhay ng huli kapag sinunod nito ang kagustuhan ng sikat na sports personality na ibenta ang pag-aari nitong condo unit.

Ang ipinagtataka ng nagmamalasakit na kaibigan, bakit kailangan pang ibenta ang condo gayung may sapat na pera naman sila sa kanilang binuksang negosyo at maayos naman ang kita ng boyfriend niya.

Ang ikinakatakot ng nagkuwento sa amin, gusto raw nitong lalaki na sa kanya na lamang umasa at umikot ang buhay ng sexy actress para wala na itong kawala sa kanya. Pinagbabawalan na nga rin itong gumawa ng movie na nangangailangan ng flesh exposure.

Well, dapat mag-isip ng sampung beses ang girlita bago niyang gawin ang iniuutos sa kanya ng BF niya dahil baka sa bandang huli ay iwanan din siya kagaya nang ginawa nito sa misis niya. Mahirap nang nag-iisa at walang masilungan. ‘Yun na!

***

Star Cinema, may talong higanteng pelikula pa para sa 2012

SA HULING bahagi ng 2012, tatlong naglalakihang pelikula pa ang handog ng Star Cinema para sa Filipino moviegoers worldwide–ang biggest comedy movie ng taon na “This Guy’s In Love With You Mare,” first Filipino-Thai film na “Suddenly It’s Magic,” at ang Star Magic 20th anniversary movie na “24/7 in Love.”

Ang comedy masterpiece ni Direk Wenn Deramas na “This Guy’s In Love With You, Mare” na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice Ganda ay patuloy pa rin itong tumatabo sa takilya sa second week nito.

Bida naman sina Erich Gonzales at Thai superstar na si Mario Maurer sa “Suddenly It’s Magic”, ang kauna-unahang Filipino-Thai film ng Star Cinema na directed by Rory Quintos. Ipalalabas ang feel-good romantic-comedy movie na ito sa buong bansa sa October 31.

Samantaka, ang star-studded romance anthology na “24/7 in Love” ay pakikislapin ng ilan sa pinakamalalaking artista mula sa Star Magic sa pangunguna nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Kim Chiu, Maja Salvador, Sam Milby, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, at Pokwang. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina John D. Lazatin, Mae Czarina Cruz, Frasco Santos Mortiz, at Dado Lumibao. Sa November nakatakdang mapanood ang nasabing Star Magic 20th anniversary film.

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa “This Guy’s In Love With You Mare,” “Suddenly It’s Magic,” at “24/7 in Love,” bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

***

Daniel Fernando may gagawing teleserye sa ABS-CBN

PARANG walang mangyayaring eleksyon sa 2013 sa Bulacan dahil tahimik na tahimik ang kapitolyo probinsiyal nito na nakabase sa Malolos. Si Vice Governor Daniel Fernando ay hindi nagsasalita about politics.

Months ago ay nabanggit sa amin ni Daniel na may offer sa kanya ang ABS-CBN na isang teleserye. Ewan lang namin kung nagkaayos sila dahil masyadong hectic ang schedule ng actor/politician sa kanyang trabaho as public servant. Anyway, bukas naman siya anumang negosasyon sa showbiz basta’t maayos lang ang kanyang oras sa kapitolyo.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply