Kakapusan ng libro, silid-aralan tutugunan ng DepEd

PURSIGIDO ang Department of Education (DepEd) na maresolba ang problema sa kakulangan sa mga classroom at mga textbook sa mga pampublikong paaralan sa pagtatapos ng taong 2012.

Tiwala si Education Secretary Armin Luistro, na maaabot nila ang “Zero Shortage” sa silid-aralan at mga libro kahit pa may tatlong buwan na lamang bago tuluyang matapos ang 2012.

Noong nakaraang buwan ay sinelyuhan ng DepEd sa ilalim ng Public-Private Partnership Program ang P16.3 bilyon ang 10-year
Build-Lease-Transfer Contract para sa disenyo, konstruksyon at maintenance ng 9,301 classrooms sa mga Rehiyon ng Ilocos, Central Luzon at Calabarzon.

Sa susunod na taon, sisikapin ng DepEd na makapaglagay ng kahit isa lamang na computer laboratory sa lahat ng high school at 70% naman sa mga elementary schools sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply