Kakulangan sa pabahay, sosulusyunan ng pamahalaan

BIBIGYAN na ng solusyon ng pamahalaan ang pagtugon sa kakulangan sa pabahay bago matapos ang taong 2016.

Batay sa pagtataya aabot sa mahigit na 4 milyon unit ng pabahay ang ikakasa sa ilalim ng binalangkas na road map ng Subdivision and Housing Developers Association (SHDA).

Ayon kay Paul Tanchi, tagapangulo ng SHDA, umaasa siyang makatutugon na ito sa kakulangan ng pabahay sa maraming mga Pilipino sa bansa.

Ang mga nagawa nang pabahay ang itu-turn over naman sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Board of Industries para sa kaukulang konsultasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply