Kamara hands off sa kaso ni GMA

HANDS-OFF ang liderato ng Kamara de Representantes sa mga kasong kinakaharap ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nilinaw ni House Speaker Feliciano Belmonte na ang mga usaping ito ay prosesong tanging ang korte lamang ang may kapangyarihan at hindi na ito sakop ng Mababang Kapulungan.

Hindi rin aniya naia-apply sa major cases gaya kay CGMA ang pagbabawal na pag-aresto sa mga kongresistang may kaso habang may sesyon dahil lagpas sa anim na taon ang parusa sa mga inihaing kaso laban sa dating pangulo.

Tanging ang mga mambabatas na may kasong 6 na taon pababa ang kaparusahan ang maaaring harangin ng Kamara na arestuhin.

Magkagayunman, sinuportahan ni Belmonte, ang pangangailangan na manatili sa ilalim ng hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City si CGMA dahil sa bumabagsak na kalagayan ng kanyang kalusugan.

“I think that’s exactly where she should be kept because she has really become frail. I myself would not want her anywhere else except in the Veterans {Memorial Medical Center} where medical assistance is readily available,” ani Belmonte.

Mas magiging madali aniya para sa dating pangulo ang agad magamot sakaling kakailangangin kung ito ay mananatili sa VMMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply