Kambal na barker, kritikal sa kainuman

KAPWA kritikal ang kambal na barker matapos pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City kaninang madaling araw, Oktubre 22.

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital sanhi ng mga saksak sa katawan sina Angel Cruz, 33 at Joseph Cruz, 33 kapwa ng C. Cordero st., ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na Toto.

Batay sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, kainuman ng kambal ang suspek sa Edsa kanto ng Morning Breeze subd., ng lungsod nang magtalo.

Nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang kambal bago tumakas habang dinala naman sa MCU ang mga biktima.

Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng pagtatalo ng kambal at suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply