Kamote, mainam na pampababa ng kolesterol – FNRI

LOS BANOS, Laguna, – SA anim na lamang ugat tulad ng kamote, kamoteng kahoy, gabi, ube at tugi, ang kamote at kamoteng kahoy ay may mahalagang epekto sa total blood cholesterol levels.

Ito ang napag-alaman sa ginawang pag-aaral ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Ayon sa FNRI, ang kamote ay isa sa malimit itanim dito sa bansa dahil ito ay itinuturing na isa rin sa mga “staple food” gaya ng kanin at tinapay. Ito rin ay mayaman sa carbohydrates at carotene katumbas ng Bitamina A depende sa kulay nito.

Ang dilaw na kamote ay mayaman sa carotene kumpara sa puti at lila na uri. Samantala ang puting uri ng kamote ay mas mayaman sa kalsyum kaysa sa dilaw na uri.

Mas mataas din ang taglay na iron at Bitamina C ng puting kamote kaysa dilaw na uri.

Ang lilang kamote ay may pinakamataas na taglay na bitamina kaysa sa dilaw at puti na uri.

Nasasaad sa Gabay para sa Wastong Nutrisyon ng mga Pilipino na kumain ng mas maraming gulay, prutas at lamang-ugat.

Ayon sa Gabay, ang kamote ay hindi lamang masustansya ngunit mura rin ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply