Kampanya vs fake bills, tuluy-tuloy – BSP

TINIYAK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na patuloy ang kanilang kampanya laban sa mga pekeng pera.

Ayon kay BSP Deputy Dir. Diwa Guinigundo, ginagawa nila ang pagbabantay at information campaign, hindi lamang tuwing papalapit ang Pasko.

Sinabi ni Guinigundo na bukod sa mas madaming security feature ay regular din nilang itinuturo sa tellers ng bangko at sa mga negosyante ang pagkakakilanlan ng peke at ng tunay na pera

Samantala, may paraan naman para malaman kung totoo ang pera.

Ayon sa alituntunin ng BSP, may watermark na nakikita sa kanang bahagi ang mga lumang pera. Mayroon din dapat itong security thread.

Ang mga bagong pera naman, dapat may nakatagong imahe sa kaliwang bahagi kapag inaanggulo.

Iba rin ang kulay ng pekeng pera kumpara sa tunay na pera.

Ang mga gagamit ng mga pekeng pera ay puwedeng magmulta ng hanggang P2,000 o makukulong depende sa bigat ng pagkakasala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply