Kampo ng aktor nabahala sa panunuhol ng kalaban para patalsikin siya

USAP-USAPAN na sa malayong probinsiya sa bandang South ang isyung suhulan na nangyari kamakailan lang kung saan nagbayad umano ang kalaban ng aktor sa isang ahensiya para ipatanggal siya sa 2013 elections. Umabot daw sa anim na milyon ang pinaluwal ng kalaban para mawala sa congressional race ang mataba-tabang aktor.

Pinakilos na nito ang mga abogado para gumawa ng hakbang para mahadlangan ang panggagapang ng kanyang katungggali.

Hindi naman matapatan ng bida natin ang pinauulang kadatungan ng kanyang hinamong kandidato dahil kilala siyang super kuring. Kaya nga nangangamba ang kanyang kampo na baka mauwi sa wala ang kanilang laban dahil puro pakabig at walang palabas ang drama ng aktor.

***

Tangang magmahal ang sexy actress

GAGAMITIN lang daw ng kandidatong mahilig sa showbiz ang sexy-star sa kanyang reelection bid.

Pagkatapos kasing ligawan at mapasagot ng oo ang una ay ganun pa rin ang buhay nito, wala namang nagbago.

Asar pa rin ang kanyang kapatid sa kanya dahil walang-wala pa rin daw ito. Dati naman daw nabibigyan nito ang kanilang kapatid na lalaking may sarili na ring pamilya pero lately, nang lumapit daw ito sa kanya para humingi ng pera ay binugaw nito ang utol at pinapunta sa kanilang mataray na kapatid na imbes namang magbigay ay nagtaray pa at nilait ito.

Giatay!

***

Mga kasabay na programa ‘di makaalagwa, ‘SIR” tumaas ang rating

WALANG magawa ang mga katapat na programa ng ‘SIR’. Hindi nila malaman kung paano patataubin ito. Alertado sila dahil patuloy itong tumataas. Ibang klase talaga ang tambalang Janice de Belen, Carmina Vilalaroel, Joey Marquez at Ogie Diaz.

Matatandaang isang talk show na ang nagsara sa kalabang istasyon sa kabila nang matagal na itong umiere nang dahil lamang sa pagsulpot ng ‘SIR’ sa timeslot na 3:00-4:00 p.m. every Saturday.

Muli silang bumuo ng isang show na akala nila’y malalamangan na nila sa rating ang show na ‘to ng Kapamilya pero nabigo sila.

***

Alden Richards sa Tropang Potchi

NGAYONG Sabado (bukas, October 20), dadalaw at makikikapkwentuhan  ang gwapo at mahusay na Kapuso actor na si Alden Richards sa Tropang Potchi.

Kikilalanin ng mga ka-potchi ang ikalawang Pilipinong Santo na si Pedro Calungsod sa pagdalaw ni Brother Peter (Alden).
Aalamin nila ang mga pinagdaanang hirap at kagitingan ng batang si Pedro na ngayon ay kinikilala na bilang isang Santo sa buong mundo.

Bibisita rin ang alagang aso ni Sab (Sabrina Man) na si Scott. Buong linggong pinag-iisipan ng tropa kung ano nga ba ang bagay na maging trabaho ni Scott. Ikukwento naman nina Julian (Julian Trono), Sab, at Miggy (Miggy Jimenez) ang adventures nila sa pagpapakilala sa iba’t ibang maaaring maging propesyon ng isang aso, kabilang na nga ang pagiging artista tulad ni Princess, ang bidang aso sa teleseryeng “Aso ni San Roque”.

Kilalanin si Pedro Calungsod sa pamamagitan ng isang makulay na animated story book at music video. At alamin kung ano nga ba ang gusto maging ni Scott, kasama si Alden Richards bilang Bro. Peter sa Tropang Potchi, 9 am, sa GMA7.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!        

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply