Kampo ng Jalosjos vs Cerilles, nagratratan, 3 patay

NAGSIMULA ng dumanak ang dugo sa larangan ng pulitika ng ratratin ang grupo ng mga tagasuporta ng mga Jalosjos ng mga political supporters naman ng kalaban sa partido na naging sanhi ng kamatayan ng isang barangay chairman at anak nito habang patay din ang isa sa kalaban grupo sa Midsalip, Zamboanga del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, nagsagupa ang dalawang grupo ng mga tagasuporta ng mga politiko sa nasabing lalawigan na ikinasawi nina Noeh Rosing, chairman ng Brgy. Pawan sa nasabing bayan at ang anak nitong si Banjing, political area manager ng mga Jalosjos.

Kinilala din ang isa pang napatay na supporter naman ng panig ng mga Cerilles na si Daniel Rosing habang sugatan sina Belito Rosing at Willy Pertino.

Lumabas sa isinagawang imbestigsyon ng PNP Midsalip na kagagaling lang umano ng mag-ama sa Pagadian City mula sa pagdalo sa meeting ng Liberal Party .

Pag-uwi ng bahay ng mga biktima ay doon na sila sinalakay ng kabilang kampo na nagresulta sa engkuwentro.

Nagawang makaganti ng mag-ama sa kabilang grupo kaya nakapatay din sila ng isa sa panig ng kalaban bago sila napaslang.

Lumalabas na magkakamag-anak din ang mga biktima pero dahil sa political affiliation ay naging mahigpit na silang magkakalaban ngayon.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply