Kamuntik nang kumulog at kumidlat!

KULANG na lang ay kumulog at kumidlat sa halikan nina Toni Gonzaga at Vice Ganda sa pelikulang This Guys In Love with You Mare na showing sa October 10. Aminado si Toni na bumaligtad ang sikmura niya.

Tinanong tuloy si Toni kung may nanligaw ba sa kanya nu’ng araw na sa bandang huli ay nadiskubre niyang ‘mare’ pala.

Ayaw na niyang pangalanan kung sino ang hitad na ‘yun na gusto siyang lasunin o pekehin na pareho lang pala ang gusto nila.

‘Yun  na ‘yun!

-0o0-

MAGANDA ang feedback sa latest album ni Gerald Santos titled Gerald Santos: The Prince of Ballad dahil gandang-ganda kami sa version niya ng ‘Maghintay ka Lamang’. Ni-revive niya ang kanta ni Ted Ito at talaga namang pinalakpakan siya ng movie press sa galing at taas ng boses na pag-perform nito.

Puro revival songs ang laman ng kanyang album gaya ng Ikaw Lang, Paminsan-Minsan, Hindi Magbabago, Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko at itong  Maghintay Ka Lamang.

Ipinaliwanag ni Gerald kung bakit puro revival songs ang laman ng album niya.

“’Yung first two albums ko po, all-original na po. Para maiba naman po. At kumbaga, nagte-test pa rin po kami ng iba’t ibang formula kung paano magkakaroon ng hit songs na revival album naman po,” bulalas niya.

Actually sa dalawang album ni Gerald, wala pang maituturing na kanta na nag-hit talaga at tumatak sa tao kaya sa bago niyang album ay wish niyang mapasikat ang kanyang carrier single at ang iba pang kanta na nakapaloob rito.

“Yun po talaga ang wino-work out namin, matagal na,” sey  pa niya.

Kilala si Gerald bilang isang singer pero gusto rin niyang ituloy ang pag-arte sa mga serye gaya ng mga ginagawa niya noong nasa Kapuso network pa siya.

“Kung may offer na umarte ako, bakit naman natin tatanggihan? I’m willing to act rin po,” deklara pa niya.

Pagkatapos ng musical play niyang ‘Jose Rizal,’ mapanonood siya sa kauna-unahan niyang English play, ang San Pedro Calungsod, The Musical.

Ito muna ang pagkakabalahan niya habang wala pa siyang show sa TV5.

-0o0-

BAGAY si Regine Velasquez sa bago niyang show na ‘Sarap Diva’ na magsisimula sa October 6 sa GMA 7, 10:45 am bago ang Eat Bulaga! Tsika lang siya nang tsika at ang bilis niyang magluto. Para siyang female version ni Chef Boy Logro. Tuwing ending ng show ay kakanta siya kasama ang brother-in-law niyang si Raul Mitra.

Special participation rin sa Sarap Diva ang baby niyang si Nathaniel James Alcasid or Baby Nate. Tinanong rin kung may TF din ito pero sagot niya ay wala. Kasama rin ang pet dog ni Regine na si George.

Ang Sarap Diva ay sa ilalim ng direksyon ni Treb Monteras II at mapapanood tuwing Sabado, 10:45 am bago ang Eat Bulaga!

Tinanong rin si Regine kung anong klaseng pagkain siya kung naging pagkain nga siya?

“Puttanesca,” buong ningning niyang sabi na tumatawa. Ito kasi ang niluto niya sa presscon at ipinatikim sa press.

“Siguro, sa Tom Yum. E, kasi, di ba yung Tom Yum ang daming nakalagay roon?,” seryoso niyang pahayag.

“It’s spicy, it’s sweet, it’s sour. Yung four basic taste, nandoon.

“Kasi to balance the acidity, you need to put a little bit of sugar. ‘Tapos to balance that, you need to put salt, patis, ganyan. So, feeling ko iyon kasi feeling ko ganun ako. Minsan nagmamaalat, minsan sweet, minsan nagmamaasim. Susyal,” sey pa ni Songbird.

May dream guest si Regine Velasquez sa ‘Sarap Diva’.

“Ang dream guest ko sana rito si Senator Miriam Santiago. Wala lang, kasi why not? Bakit hindi e kasi mommy siya.  I’m sure nagluluto siya sa bahay, ang dami niyang tips na puwedeng ibigay sa akin. We don’t have to talk about politics if she doesn’t want to. That’s her job naman e, that’s her work, e. We can just talk about her being a mom, her being a wife,” bulalas pa niya.

Sinubukan na raw nila imbitahan ang Senadora pero hindi pumwede. Umaasa siya na sa mga susunod na episodes ay mai-guest niya ito.

Since nalalapit na ang eleksyon, napadako naman ang usapan tungkol sa pulitika; hindi ba tatakbo si Ogie?

“Saan, saan tatakbo? Baka sa Circle tumakbo,” pagbibiro ni Regine.

“You know I keep asking him kung if he’s interested. Right now he keeps telling me na it’s not in his plan, right now. It can change. People change, people, you know, will suddenly have that desire. Kaya ba niyang maging politician’s wife?

“Kahit hindi kaya, kakayanin, asawa ko yun, e. Ayoko namang pigilan ko siya, parang ang pangit naman nun. Hindi ko siya pipigilan.”

Paano kung si Regine ang alukin na tumakbo?

“Huwag na. No, because the way I see it being a public servant, and ganyan din yung asawa ko e, you serve the people, it’s not the other way around.

“Now kung iyan ang alituntunin mo sa buhay mo, go ahead and run for office. Pero if you’re thinking is to earn money, I’m sorry hindi mo ikayayaman ang pulitika. Unless maging basura ka. E ayaw na natin yun e, may utak na ang mga tao, hindi na sila bumoboto ng basura.”

“Meron pa ring nakalulusot pa rin pero sana nga one day dumating yung panahon na talagang mag-isip na lang yung tao,” hirit pa niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply