Kandidato dedma sa anti-cybercrime law

MAY napansin ba kayo ukol sa nakararami sa mga kandidatong senador ni PNoy at nina Erap at Binay?

Bulag, pipi, bingi ang mga ito sa iyak ng mga batang media ukol sa libelo na nilalaman ng anti-cybercrime law.

Noong nakaupo pa si Gloripie, panay ang banat ng mga ito sa mga paniniil at panggigipit umano ng gobyerno nito.

Pero ngayon, tameme sila sa mapaniil at mapanggipit na nasabing batas.

Ang batas na ito ay pinirmahan mismo ni PNoy na Boss ni Juan makara-ang iindorso sa Palasyo ng mga mambabatas mula sa Kamara at Senado.

Sa 24 na kandidatong senador ng magkalabang pinakamalaking partido, dadalawa lang ang malinaw na kumokontra sa libelo sa nasabing batas: sina Chiz Escudero at Peter Allan Cayetano.

‘Yung human rights aktibis dati, wa na ring boses.

oOo

Haka-haka lang natin ito, Suki. Kaya halos lahat ng mga kandidato ay pipi, bingi at bulag sa panganib na dala ng libelo sa nasabing batas, eh, pakikinabangan nila ito ng husto ngayong halalan.

Nagsimula na kasi ang labasan ng baho ng mga politiko o kandidato at sa isang sampa lang ng kaso sa mediamen, nakasiper na ang bunganga ng mga ito.

Ito’y dahil sa karaniwang gag order na iniisyu ng hukuman sa kasong hawak nila.

Ayaw ng mga bulok na balimbing na ito na malaman sa internet ang mga balita ukol sa kanila sa takot na matalo sila sa botohan sa 2013.

Kasi naman, kung makalusot man sa mga diaryo, telebisyon at radyo ang mga balita sa kanilang mga kabulukan, mahirap lumusot yan sa internet na doon higit malaya ang mediamen at mamamayan na maglabas ng kanilang saloobin at na-lalaman.

Pero nawala nga ang kalayaan sa internet at dedma lang ang mga politikong ito.
Karmahin sana u!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>