Kandidatong baluktot ibasura

LAMANG NA LAMANG pala ang incumbent mayors diyan sa Batangas  laban sa mga baguhang kumakandidato na nagnanais maging alkalde.

Dahil bukod sa nagagamit ang makinarya ng kanilang lungsod o bayan, sila’y suportado ng pera at boto ng mga drug at gambling lord.

Ito ang nakaririmarim na pagbubulgar sa Chokepoint ng ilang tumatakbong ‘for mayor’ sa lalawigan ni Gov. Vilma Santos – Recto sa May 2013.

Kapag mag-eelection, asahan  na kabute ang sugalan para makapangalap ang mga GL ng panggastos para sa ‘manok’ na incumbent mayors.

Sa Bauan town deklarado raw ang Small Town Lottery bookies operator na si Aling Minda na suportado nito si incumbent Mayor Ryan Dolor. Ang operasyon ni Minda ay  sa Brgys.1, 2, 3,  4 at public market – lahat sa  Bauan. Take note Bauan Police Chief Supt. Alfredo Dangani, sir.

Malakas din ang STL-con-jueteng ni Minda sa Brgys. Bolo, San Miguel,  San Roque at iba pang barangay.

Dapat alam ni Col. Dagami yan.

Sa Tanauan, isang Jun Ocampo ang may pa-bookies sa  Bagbag, Ka Kanor ng Luyos, Teryo sa  Banadero at Dama at Kancio sa  Ulango.

Dexter at Angel, sa  Pantay na Matanda at Bata, Ed Villanueva at Obet Malabanan sa Ambulong, Paging Mayor Sonia Torres-Aquino.

Sa Sto. Tomas,  ang STL-con juteng operators ay sina  Alex at Jojo ng Brgy. San Roque, Mario ng  San Jose at Lito ng San Miguel.

Deklarado ang mga ito na susuportahan si Mayor Atong Federico, samantalang si Mabini Mayor Nilo Villanueva ay suportado raw ng GL na si Oslo.

Matindi rin daw ang bookies sa bayan ni San Jose Mayor Eutiquio Briones na ang mga GL ay sina Virtucio, Kap. Ineo at Kap. Indo.

Sa San Juan ang GLs na sina Kap. Nelson at Fress ay hayagan ang pagsuporta kay incumbent Mayor Rodolfo Manalo.

Sa bayan ng San Pacsual ay lantaran ang suporta sa re-election ni Mayor Antonio Dimayuga ng jueteng operator na si Aling Nene.

Ang tanong natin sa mga botante ng mga nabanggit na siyudad at bayan, saan ba kayo lulugar, sa liku-likong landas o daang matuwid?

Ate V., aba’y kilos, dahil sa pananahimik mo, siguradong ika’y  pinagsususpetsahan din na sumasawsaw sa vice operations sa iyong lugar.

Dapat ay kastiguhin mo si PD Rosauro Acio at mga police chiefs na sina Supt. Alfredo Dangani ng Bauan, Supt. Jeremis Aglugub ng Tanauan City, C/Insp. Edward P. Mallo ng San Jose, C/I Rommel Agbunag ng San Pascual at Supt Elpidio Ramirez ng San Juan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply