Kandidatong magkakamag-anak oks sa Malakanyang

PABOR ang Malakanyang na manaig ang political dynasty sa 2013 elections.

Ayon kay deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na kuwalipikasyon at track record naman ng isang kandidato na inaakusahang bahagi ng political dynasty ang dapat na timbanging mabuti ng isang botante.

Sa ulat, inihanay na bahagi ng political dynasty sina Angara, Estrada, Binay at Cayetano.

Sinabi pa ni Valte na nasa kamay na ng mga botante kung sino ang kanilang iboboto.

Sa kabilang dako, nagpaliwanag naman ang Malakanyang na hindi nila ipinatatanggol ang isyu ng political dynasty dahil sa pagtakbo ni Bam Aquino bilang senador sa 2013 elections at dahil na rin sa malinaw na ipinagbabawal ito sa Saligang Batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply