Kaninong bersyon ang totoo?

UUSAD kaya o lalong malulugmok ang Philippine Drug En-forcement Agency (PDEA) sa  pagkakatalaga ng Malakanyang kay Ret. Gen. Arturo Cacdac, Jr.,  bilang NOONG Oktubre 5, 2012, inaresto ng mga tauhan ng Galas Pollice Station 11 ng  Quezon City Police District (QCPD) ang Punong Barangay ng 711 sa Malate, Maynila na si Eduardo Torcelino at kanyang kaibigang negosyante na si Her-minigildu Patdu dahil sa pag-aaway sa harap ng isang kainan sa may Welcome Rotonda  bandang alas 7:00 ng umaga.

Katatapos lang umanong  mag-abutan ang dalawang lalaki ng dalawang plastic sachet na kapwa naglalaman ng 15 gramo ng hinihinalang  shabu, kung kaya  kaagad silang inaresto ng mga pulis sa pangunguna ng magkapatid na WIlberto at William Blanco.

Sinampahan ng kasong illegal possession of illegal drugs ang dalawa sa QC Prosecutor’s Office kung saan naunang inirekomenda ng fiscal na walang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga ito.

Makalipas ang tatlong araw, ay nagbago ang desisyon ng prosecu-tor’s office kayaý naging for further investigation ito at napalaya ang mga naaresto sa kaso ng droga.

Dahil hindi umano nakipag-koordinasyon sa Philippine Drug En-forcement Agency (PDEA) ang mga pulis ng QCPD.

Ang masakit, humingi ng tulong kay Manila Mayor Alfredo Lim si Torcelino at iniharap ito kay National Capital Regional Police Office Director Chief Supt. Leonardo Espina kung saan nagsumbong ang inarestong PB na “tinaniman siya ng shabu”at ninakaw ang pera niyang P170,000 na umanoý napanalunan sa sabong.

Dahil dito ay kaagad na ipinasibak ni NCRPO Chief Gen. Espina sa puwesto si Supt. Norberto Babagay, ang  hepe ng Galas Police Station, 11 ng QCPD base sa command responsibility kasabay ng imbestigasyon  laban sa magkapatid na Blanco.

Pero dahil sa pangyayari, maraming pulis ng QCPD ang na-low morale lalo na ang nakatalaga sa mga barangay na nakikipag coordinate sa kasamahan nila na nakatalaga sa anti-illegal drugs sapagkat mas pinaboran pa ng NCRPO ang isang opisyal ng barangay na anila ay kuwestiyonable rin naman ang presensiya sa area ng Galas ng mga oras na iyon.

Naniniwala ang mga ito na “nagkaroon ng ”cash-unduan” sa panig ng mga inaresto at fixcal dahil puwedeng hindi na kailangan ang koordinasyon sa PDEA kung  kaso ng “In flagrante delicto” ang pangyayari.

Bukod pa sa katanungang saan naman kukuha ng 30 gramo ng shabu na gagawing ebidensiya ang mga pulis? Iyon ngang isang bulto hirap ang mga pulis, iyon pa kayang halos one fourth kilo? Wala naman yata silang perang pang-abono para lang “itanim.”

Teka muna, hindi ba’t sinabi nitong si Torcelino na ninakawan siya ng P170,000 ng mga pulis? Saan naman kaya nanggaling ang perang dala niya? Hindi naman kaya iyon talaga ang pinagbentahan niya ng droga?

Nabanggit niya na galing sa sabong ang pera. Ibig sabihin ganoong kaaga ay magbukas ng sabungan? Maliban na lang kung galing siya at inumaga sa derby.

Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, di po ba bawal sa mga opisyal ng pamahalaan o kahit barangay na magsabong o magtungo sa sabungan? Exempted po ba rito si Torcelino? Abay dapat maparusahan din ito.

Kailangan naman pong maging parehas ang batas sa lahat ng sektor at hindi mas pinapaboran ang mga taong tulad ni Torcelino na may nalalapitang tulad ni Mayor Lim na malaki ang paniwala sa kanya.

Sabagay, kailangan ni Mayor Lim na alalayan itong si Torcelino dahil tiyak namang aalalayan din siya nito sa halalan ngayong Mayo 2013.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag- text lang po sa  09155683000  at 09087230036 o kaya ay mag- email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply