Kargador inatado ng saksak, tigbak

INATADO ang isang 23-anyos na kargador sa Divisoria market matapos pagsasaksakin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng kaniyang pinsan na kapwa kargador dahil sa dating alitan kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din dahil sa tinamong tama ng saksak sa dibdib, batok,mukha at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Roger Bogalan, 23-anyos, residente ng Novaliches, Quezon City.

Nakatakas naman ang suspek na ngayo’y pinaghahanap ng pulisya na nakilalang si Reymar Lanojan alyas “Ricky” , 29, residente ng no. 726 P. Herrera st., Tondo.

Ayon kay PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 7:00 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng Juan Luna at P. Herrera st., Tondo.

Sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima at suspek sa kanilang mga kaibigan simula alas 12:00 ng hatinggabi kanina matapos silang magkarga umano ng mga gulay.

Nang malasing ang biktima ay naghamon na ito ng away kung saan inawat naman ng pinsan na suspek.

Imbes na magpaawat ang biktima ay itinulak pa nito ang suspek at inungkat ang dating alitan dahil sa nawawalang cellphone na umanoy ninakaw ng huli.

Ang paghahamon ng biktima ay naibuhos lahat ang galit nito sa suspek hanggang sa maglabas ng patalim ang huli at inatado ng saksak ang una bago tumakas dala ang ginamit na panaksak.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply