Kasambahay Bill, inaayawan sa Kamara

IKINALUNGKOT ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang pagtutol ng ilang miyembro ng Kamara na maipasa ang Kasambahay Bill na nakabinbin sa Kongreso ng 18 taon.

Sa panayam  nitong Linggo, sinabi ni Estrada na kundi maipapasa ngayong 15th Congress ang panukala, tiyak na magsisimula muli sa umpisa pagpasok ng ika-16 na Kongreso sa Hunyo 2013.

Dahil dito, nakiusap ang mambabatas sa kasamahan sa Kamara sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte na bigyang prayoridad ang panukala upang tuluyan nang mabigyan ng benepisyo ang mahigit 2 milyong kasambahay.

“This is a priority bill by President (Benigno) Aquino. Kaya ako’y nakikiusap sa House of Representatives, kay (Northern Samar) Rep. Emil Ong, House Majority Leader (Neptali) Gonzales II and House Speaker (Feliciano) Belmonte, to fast track na nila. I made a phone call, appealing for them to approve the Senate version,” ayon kay Estrada.

Sinabi ni Estrada na kapag hindi nakalusot ang panukala ngayong 15th Congress bago mag-adjourn sa Christmas break, tiyak na muli itong ihahain pagsapit ng 16th Congress.

“Kapag hindi ito makalusot nitong 15th Congress, mahihirapan na tayo, i have to refile the bill again, imbes na malapit na sa home base, dapat mapapirmahan na. Besides, this has been languishing in Congress for the past 18 years,” ayon kay Estrada.

Unang inihain ang panukala noong 13th Congress pero hanggang ngayon tumututol ang counterpart ni Estrada sa Kamara, si Northern Samar Rep. Emil Ong sa probisyon na magbibigay ng P3,000 sahod sa kasambahay sa Metro Manila.

Inaatasan din sa panukala na magbigay ngP2,500 sahod sa kasambahay ang naninirahan sa first class cities at munisipalidad ngunit gusto ng mga kongresista na tanging ang Regional Wage Board ang magtakda ng sahod kada buwan.

“Noong second integration ng bicam– ayaw nila yung magkaroon ng peg ang salaries sa MM.  I pegged at P3K, ayaw ng House of Representatives noon. Gusto nila the Regional Wage Board will determine the salaries. Sabi ko i-peg muna natin, then after one year, wage board ang mag-determine … as far as  am concerned, hindi baba ng P3,000 in Metro Manila, and for the first class municipalities — P 2500; amd for the far flung areas, P2,000,” paliwanag ni Estrada.

Iginiit pa ni Estrada na dapat magbigay ang Senado o ang Kamara sa panukala upang maisabatas bago simulan ang campaign period sa Pebrero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply