Maid na tumangay sa P.5-M, himas rehas

HIMAS rehas ngayon ang isang katulong na tumangay ng tinatayang P.5 milyon halaga ng cash  at alahas sa kanyang amo matapos na nabuking ang “drama” nito na umano’y nabiktima ng “dugo-dugo”gang sa Quiapo, Maynila kagabi .

Hawak ngayon ng Manila Police District (MPD)-Theft and Robbery Section (TRS) ang suspek na si Elisa Mancio, 21, tubong Hilongos, Leyte at stay in helper dahil sa reklamo ng kanyang amo na si Margaret Yu, 53, negosyante ng 522 Quezon Blvd., Quiapo, Maynila.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro ng MPD-TRS, dakong 8:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa bahay ni Yu .

Sa salaysay ni Yu, galing siya ng trabaho at umuwi ito para kumuha ng pera para ipambabayad sana sa kanilang ipinamili sa kanilang canteen nang napansing sira ang vault at wala na ang laman nito na naglalaman ng P270,000 cash.

Lalong kinutuban si Yu nang nawawala rin ang kanyang wooden antique box na naglalaman ng P150,000 cash at tinatayang P200,000 halaga ng mga alahas.

Nang hinanap ni Yu si Mancio sa iba pang kasambahay ay sinabing lumabas ito.

Gayunman, dakong 8:30 ng gabi nang bumalik si Mancio kung saan ikinuwento nito na may nakausap siyang babae at inutusan na sirain ang vault at dalhin ito sa Luneta.

Hindi naman naniwala si Yu sa kuwento ni Mancio dahil halatang tinakpan ng tuwlaya ang sinirang vault habang ang antique box na wala nang laman ay itinago ito sa ilalim ng isang aparador kaya inireport ito sa pulisya na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sinuportahan din nina Gilbert Tenedero, 23, at Luzviminda Managbanag, 21, kapwa kasambahay ni Yu na nagsisinungaling si Mancio dahil mismong marinig ng una ang pamumukpok ni Nancio ng vault ng patago habang nakita rin ni Managbanag na nagmamadaling lumabas ang suspek na may bitbit na plastic bag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply