Kasambahay nabiktima ng dugo-dugo gang

NATANGAY sa isang kasambahay ang may P1 milyong halaga ng ilang piraso ng alahas ng kanyang amo sa mga miyembro ng notoryus na Dugo-Dugo gang sa Quezon City kaninang umaga.

Sa salaysay ng biktimang si Guillerma Parallon, sinabi nitong may tumawag sa kanya sa telepono na isang babae na inakala niya na kanyang amo.

Ayon sa babaeng tumawag, nakasagasa ito ng isang bata at sinabihan si Parallon na kunin ang kanyang ilang piraso na alahas para ipang-ayos sa pamilya ng biktima.

Dala ang mga alahas, pumunta si Parallon sa Sto. Domingo Church sa Quezon City at doon ay ibigay sa mga suspect ang alahas ng kanyang amo.

Samantala, sinabi ng amo ni Parallon na hindi na nila sasampahan ng kaukulang kaso ang kanilang kasambahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply