Kaso ni Padaca, dala kahit nasa Comelec na

DALA pa rin ni bagong Comelec Commissioner Ma. Gracia Cielo “Grace” Magno Padaca ang kasong malversation of public funds at graft na nakahain laban sa kanya kahit isa na siyang komisyonado ng komisyon.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, batid naman ni Padaca ang kasong kinahaharap kung saan ay handa naman nitong harapin kahit isa na siyang opisyal ng Comelec.

“She’s aware of that and that’s why she has an overnight bag with her everyday,” ayon kay Sec. Lacierda.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung magbibitiw pa si Padaca sa Kaya Natin ‘To Movement sa pangambang puwedeng paboran ni Padaca ang nasabing samahan kung mananatili siya sa organisasyon na ito.

“Padaca is a woman of integrity, she will uphold and be fair to all concerned and she will apply election laws in a fair and judicious manner,” ayon kay Sec. Lacierda.

Kumpiyansa ang Malakanyang na gagampanan ng maayos ni Padaca ang kanyang tungkulin bilang bagong commissioner ng Comelec.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply