Kaso vs GMA sa Enero pa magsisimula

HINDI pa magsasagawa ang Sandiganbayan 4th division ng formal trial sa kasong graft and corruption ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng maanomalyang NBN-ZTE deal.

Kasama sanang haharap sa nasabing kaso sina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos, dating Transportation Secretary Leandro Mendoza.

Ayon sa 4th division, kailangang resolbahin muna ang motion to quash the information na inihain ng kampo ni Atty. Arroyo.

Iginigiit ng nasabing mosyon na wala sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan ang kaso dahil hindi public official ang dating Unang Ginoo.

Binigyan ng Sandiganbayan ng 15-araw ang prosekusyon para sumagot sa mosyon at 10-araw naman para magkomento ang depensa.

May manifesto rin ang abogado ng iba pang akusado na maghahain din sila ng motion to quash kaya iniutos ng Sandiganbayan na pagsama-samahin na lamang ang mga mosyong ito.

Itinakda ang formal trial sa Enero 14 at 15, 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply