Kasong indirect contempt of court inihain vs BIR chief

NAHAHARAP sa kasong indirect contempt of court sa Court of Tax Appeals si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares sa ilalim ng Rule 71 ng 1997 Rules on Civil Procedure with Damages at paglabag sa Article 221 ng Revised Penal Code.

Nabigo umano si Henares ng BIR na bayaran ang 15% informer’s reward o katumbas ng halagang P229,607.94 ang complainant na si Danilo A. Lihaylihay, nagpakilalang pangulo ng isang informers organization sa BIR at Bureau of Customs.

Sa iba pang developments, mananatili sa kanyang puwesto sa  BIR si Commissioner Henares hanggang gusto ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino bilang pabulaan sa ‘rumor’ na balak nitong magbitiw sa puwesto para sa isa pang mas mataas na posisyon sa gabinete.

Tiniyak din ng BIR lady commissioner ang isang napipintong ‘major revamp’ sa kawanihan sa layuning higit na mapalakas ang pagkulekta ng buwis at magpapatuloy din ang pagsasampa nila ng mga tax evasion cases laban sa mga tinaguriang ‘erring’ at ‘delinquent’ taxpayers.

Target umano ng nasabing kampanya ang mga tinaguriang ‘the rich and famous’ na patuloy na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sa kanyang reklamo sa Court of Appeals, sinabi ni Lihaylihay sa isinampa nitong criminal case number 0-302 na ‘indirect contempt of court,’ na dapat siyang bayaran ng BIR ng halagang P642,902.23 bilang actual damages, P1,000,000.00 bilang moral damages, P100,000.00 bilang exemplary damages at halagang P100,000.00 bilang attorney’s fees.

Ito anya ay bunsod ng paglabag ni Commissioner Henares sa ‘standing order’ ng korte na nag-uutos sa BIR na bayaran ang petitioner ng halagang P229,607.94 o katumbas ng 15 per cent informer’s reward na bahagi ng pagbibigay impormasyon kaya nasingil ng Rentas Internas sa pagkakautang sa buwis ang isang kompanya.

Hindi agad nakunan ng reaksiyon si Commissioner Henares sa kinakaharap nitong ‘indirect contempt’ dahil sa diumano’y pagiging abala sa serye ng mga meetings sa kanyang tanggapan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply