Kasong indirect contempt of court isasampa ng PISTON vs DOTC-LTO

TULOY ang pangangalampag ng militanteng transport group Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator  Nationwide (PISTON) sa Department of Transportation and Communication- Land Transportation Office (DOTC-LTO).

Inakusahan ng PISTON ang DOTC at OSG na nilalabag ng mga ito ang utos at permanent injunction order ng Baguio RTC sa pamamagitan ng  pag-iimbento ng mga ligal na palusot upang umiwas sa pagpapatupad ng Permanent Injunction ng Baguio RTC laban sa DOTC-LTO Dept Order 2008-39.

Nauna nang nagsagawa ang PISTON ng Pambansang Koordinadong Protesta ng mga Tsuper at Maliliit na Operators noong Oktubre 9, 2012 upang batikusin ang Administrasyong Aquino partikular ang mga opisyales nito sa DOTC-LTO sa pagsuway sa utos ng Baguio Regional Trial Court Branch 5.

Nagbanta si PISTON National President George San Mateo na kakasuhan nila Indirect Contempt of Court ang  Department of Transportation and Communication-Land Transportation Office (DOTC-LTO) kapag patuloy nitong suwayin ang March 2 at Sept 10 desisyon ni Baguio RTC Branch 5 Judge Antonio M. Esteves na  nagbasura at nag-isyu ng Permanent Injunction sa DOTC-LTO Dept Order # 2008-39 (Pagpapatupad ng Excessive and Money-Making Traffic Fines and Penalities para sa layuning Revenue-Generation ng Gobyerno).

Binigyang-diin ni San Mateo na walang ligal na basehan ang pahayag ng DOTC at Office of the Solicitor General (OSG) na hindi pa daw Final and Executory ang disisyon ng Baguio RTC dahil hindi pa umano natatanggap ng Office of the Solicitor General ang disisyon ng Baguio RTC.  Palusot pa ng DOTC at OSG na hangga’t walang pinal na kautusan ang Korte Suprema ay hindi obligado ang DOTC-LTO na ipatupad ang utos at Permanent Injunction ng Baguio RTC.

Subalit iginiit ni San Mateo na ”Final and Executory ang desisyon ni Baguio RTC Branch 5 Judge Antonio M. Esteves hangga’t walang iniisyu na Restraining Order ang Court of Appeals o ang Supreme Court,”.

Binalaan ni San Mateo na sasampahan nila agad ng kasong Indirect Contempt of Court ang DOTC-LTO oras na  may mabiktimang tsuper at singilin ng LTO ng mataas na fines and penalties sa ilalim ng DOTC-LTO Dept Order 2008-39 sa kabila ng may umiiral na Permanent Injunction ang Baguio RTC laban sa sa naturang Department Order.

Ang pahayag ay inilabas ni San Mateo matapos itong magtungo sa Baguio City nitong Oktubre 12 at 13 upang konsultahin ang kanilang abugadong si Atty. Edgar M. Avila, na siyang Lead Counsel ng petioner at kasapi ng PISTON sa Baguio City na Maria Basa Express Jeepney Operators and Drivers Association na siyang nagpetisyon sa Baguio RTC noong Abril 2009 upang ipabasura at ipahinto ang pagpapatupad ng DOTC-LTO Dept Order 2008-39.

Si Attorney Edgar M. Avila ay dating Dean ng College of Law ng St. Louis University, Baguio City at dating Youth Sectoral Congressman noong 9th at 10th Congress.

”Sa pakikipagkonsultasyon namin kay Attorney Avila, ay napag-alaman namin na Final and Executory na ang desisyon ni Baguio RTC Branch 5 Judge Antonio M. Esteves hangga’t walang nakukuha ang DOTC-LTO na Restraining Order mula sa Court of Appeals o Supreme Court, At ayon kay Attorney Avila ay pwede namin sampahan ng Indirect Contempt of Court ang DOTC-LTO sakaling may mahuli at mamultahang tsuper batay sa halagang nakasaad sa ibinasurang DOTC-LTO Dept Order 2008-39,” pagdidiin ni San Mateo.

Ayon kay San Mateo, oras na isampa nila ang kasong Indirect Contempt of Court sa DOTC-LTO dahil sa paglabag nito sa Baguio RTC Branch 5 Decision at Permanent Injunction ay meron itong civil at criminal liablities at maaring makulong at mamultahan ang sinumang DOTC-LTO Traffic Enforcer o mga deputized enforcers nito na manghuhuli gamit ang DOTC-LTO Dept Order 2008-39. Aniya, kasama din sa maaring   makulong at mamulta ang LTO Assistant Secretary at DOTC Secretary dahil sa Command Responsibility.

Binanggit din ni San Mateo na binabalak muli ng PISTON na paghandaan ang pagkakasa ng malawakang kilos-protesta kung patuloy na susuway at hindi igagalang ng DOTC-LTOang Baguio RTC Order at Permanent Injunction nito  laban sa DOTC-LTO Dept Order 2008-39. Sinabi pa ni San Mateo na magkakaroon na naman ng  panibagong oil price hikes sa diesel, gasolina at kerosene ngayon araw na ito kaya’t kelangang paghandaan na ang pagkakasa ng malawakang kilos-protesta bago pa umalagwa na naman ng husto ang mataas na presyo ng langis.

”Malinaw sa kasalukuyan na walang balak ang DOTC na sumunod sa utos ng Baguio RTC kaya puro palusot at maniobra ang pahayag ang kanilang pahayag para makaiwas o maantala ang pagpapatupad ng Baguio RTC Decision at Permanent Injunction sa DOTC-LTO Department Order 2008-39” paliwanag pa ni San Mateo.

”May responsibilidad si Pangulong Aquino sa usaping ito, bilang alter-ego ng Presidete ang Kalhim ng DOTC, dapat kumilos si Panulong Noynoy Aquino at obligahin niya ang DOTC-LTO na sumunod sa tinatakda ng korte at batas,” giit pa ni San Mateo.

Nanawagan din si San Mateo sa mga kongresista at mga Senador na tuligsain ang administrasyong Aquino at  DOTC-LTO dahil sa patuloy na pagsuway sa utos ng Baguio RTC.

”Sa pagbasura ng Baguio RTC sa DOTC-LTO Dept Oder 2008-39, ay ibinasura ng Baguio RTC ang pagkamkam ng DOTC-LTO sa kapangyarihan ng Kongreso na magpataw ng buwis sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtataas ng excessive traffic fines and penalties para sa layuning pataasin ang revenue ng pamahalaan. At naglikha ito ng grabeng pahrap at pangongotong sa mga tsuper t maliliit na operators pagdidiin ni San Mateo.

Iginiit ni San Mateo na ayon sa naging desisyon ng Baguio RTC, ”Ang kapangyarihang magpataw ng dagdag na kita para sa kaban ng gobyerno ay nasa kamay ng Kongreso at hindi sa kamay ng DOTC-LTO. Kaya dapat lamang na magsalita ang mga Kongresista at mga Senador sa ganitong paglapastangan ng DOTC-LTO sa isang lawful court order ng Baguio RTC,” sabi ni San Mateo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply