Kasong kriminal vs Globe Asiatique owner ipinatutuloy ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang petition for review ng may-ari ng Globe Asiatique na si Delfin Lee na kumukwestiyon sa desisyon ng Court of Appeals na nag-aatas na isulong ng Department of Justice ang kasong syndicated estafa laban sa kanya.

May kinalaman ang kaso sa kuwestiyunableng anim na bilyong pisong pautang na ipinagkaloob ng PAG-Ibig Fund sa mga buyer ng housing unit ng Globe Asiatique.

Batay sa isang 2-pahinang resolusyon ng SC third division, walang nakitang dahilan ang Kataas-taasang Hukuman para baligtarin ang desisyon ng CA.

Ayon sa SC, hindi rin nakatugon si Lee hinggil sa itinakdang procedural requirement sa ilalim ng 1997 rules of civil procedure.

Hindi rin pinagbigyan ng SC ang hiling ni Lee na mag-isyu ng Temporary Restraining Order.

Una ng sinabi ng CA sa desisyon nito noong Abril na may naging grave abuse of discretion ang Pasig City RTC Br. 167  Judge Rolando Mislang nang magpalabas ito ng writ of preliminary injunction para pigilin ang DOJ sa pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban kay Lee.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply