Kasong plunder ipinababasura ni Morato

IPINABABASURA ni dating Chairman Manuel Morato ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang kasong plunder laban sa kanya kaugnay ng umanong anomalya sa PCSO fund dahil sa kawalan ng merito .

Sa 21 pahinang motion to dismiss na inihan ng abogado nitong si Atty. Dante Diaz, hiniling  ni Morato na i –recall ang warrant of arrest laban sa kanya.

Iginiit ni Morato na walang direktang ebidensiya para litisin siya sa kasong pandarambong dahil naging ministerial lamang ang kanyang papel sa pag-aprub ng intelligence funds.

Hindi umano siya nag-atubiling aprubahan na lamang iyon dahil may approval na noon ng president ng bansa.

Katuwiran pa ni Morato na ang ratipikasyon ng Board resolution ay ginawa in good faith at ni hindi ito na –disallow ng Commission on Audit.

Ang motion to dismiss ni Morato ay diringgin ng 1st division ng Sandiganbayan sa Oktubre 11, ng umaga kasabay ng motion to allow the continued  detention ng kapwa isinasangkot din sa kaso na si Benito Aguas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply