Kasong plunder mababasura – GMA

TIWALA ang kampo ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na maibabasura lamang ang kasong plunder na panibagong inihain laban kay GMA.

Binigyang diin ni Atty. Raul Lambino, isa sa mga abogado ni CGMA na mismong ang ebidensya ang nagsasabi na hindi ibinulsa ni Ginang Arroyo ang anumang pondo na nagmula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Confident na confident kami sa puntong yan. Ebidensya ang nagsasabi na walang ibinulsa o hindi personal na nakinabang ang dating pangulo at ibang akusado dito.”

Kasabay nito ay sinabi ni Lambino (GMA-BB) na batid ng kampo ni GMA na hindi pa ditto natatapos ang kalbaryo ng dating pangulo dahil makikita aniya sa pattern na sa tuwing bababa ang popularity rating ni Pangulong Aquino ay bigla idinadawit ang pangalan nito.

“Kita naman ang aksyon at prononucement ng gobyernong ito. May sinusunod pa silang timing. Pag bumababa ang trust rating o may kapalpakan ang ibang opisyal na gustong pagtakpan, maghahain na naman ng demanda laban sa dating pangulo. Expected na namin na ipagpapatuloy ito ng gobyernong aquino.”

Samantala, malungkot na ibinahagi ni Lambino ang pag-amin ng isang doctor na nasa seryosong kalagayan ngayon ang dating pangulo dahil sa nararanasan nitong “phobia” sa pagkain at pag-inom.

“Sa inilabas na medical bulletin ng VMMC, sa pangunguna ni Dr. Nona Legaspi, dehydrated siya )GMA) at kailangan i-rehydrate. May swero pa din sa kanyang kamay na nagbibigay ng lakas para maibalik ang na-dehydrate niyang katawan para lumakas. Nakakatakot ang sitwasyon nya ngayon sabi ni Dr. Legaspi nagkakaroon ng phobia na kumain at uminom dahil laging nagcho-choke, nagbabara sa lalamunan. Yon kasing titanium implant nakabara sa lalamunan.
Masikip ang lalamunan ng dating pangulo kaya minsan kahit paghinga lang ay nahihirapan.”

Sa ngayon ay hindi, aniya, magmo-mosyon ang kampo na makapag-piyansa si GMA bagkus ay una isinasagawa ang konsultasyon sa mga abogado ng iba pang akusado sa plunder.

Sa ngayon ay nananatiling naka-detain si GMA sa VMMC.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply