Kasong plunder vs ex-PGMA pinamamadali

NANAWAGAN ang oposisyon sa Sandiganbayan na bilisan ang pagdinig sa plunder case na kinakaharap ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa diumano’y maanomalyang paggastos sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang press conference, sinabi ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez na dapat madaliin ng Sandiganbayan 1st Division ang arraignment kay CGMA at alamin kung may probable cause ang akusasyon sa dating Pangulo.

Paliwanag ni Suarez na mas lalong mahihirapan si Arroyo kung matatagalan pa ang hearing ng kaso nito na posibleng magpabigat sa kanyang nararamdaman.

Nakiusap din si Suarez na huwag naman sanang maging mahigpit ang korte kay Ginang Arroyo dahil hindi naman “flight risk” dahil sa kaniyang kalagayan.

“Huwag naman sanang lagyan ng maraming limitasyon. Sana hayaang makagamit ng gadget dahil maysakit siya,” ayon kay Suarez.

Nauna ng kinatigan ng Sandiganbayan ang kahilingang i-hospital arrest ang dating Pangulo upang mabantayan at masubaybayan ang pagbuti ng kalusugan nito.

Maging si Siquijor Rep. Orlando Fua ay nanawagan din sa Sandiganbayan na bigyan ng konsiderasyon si GMA dahil sa taglay nitong karamdaman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply