Kasunduang GRP-MILF: ARMM, out; Bangsamoro, in

NAGKASUNDO ang pamahalaang Aquino at Moro Islamic Liberation Front, na lumikha ng bagong political entity na tinawag na “Bangsamoro” na ipapalit naman sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Aminado si Pangulong Benigno Aquino III na isang “failed experiment” ang ARMM lalo pa’t maraming mga Filipino ang tila hindi alam ang umiiral na sistema at doon sa mga taong nakakaalam na wala ng paraan o daan upang makawala sa sistemang ito ay ginagamit ang kanilang mga pagpipighati sa pamamagitan ng pagpapagit sa mga itong armas.

Sinabi pa ng Pangulong Aquino na hindi niya mababago ang sistemang ito kung hindi ikakasa ang structural reform.

“This agreement creates a new political entity, and it deserves a name that symbolizes and honors the struggles of our forebears in Mindanao, and celebrates the history and character of that part of our nation. That name will be Bangsamoro,” ang pag-amin ng Punong Ehekutibo.

Bukod dito, hindi rin itinanggi ng Chief Executive na maraming peace agreements ang nabigo na paunlarin ang kabuhayan ng Bangsamoro sa rehiyong Mindanao, subalit patuloy na nananaig naman ang korapsyon at pagnanakaw sa ilang corrupt officials.

Marami na pong solusyong sinubok upang matapos ang hidwaang ito; nakailang peace agreement na po tayo, ngunit hindi pa rin tayo umuusad tungo sa katuparan ng ating mga pangarap para sa rehiyon. Nabigyan ng poder ang ilan, ngunit imbes na iangat ang kaledad ng buhay sa rehiyon, nagbunga ito ng istrukturang lalo silang iginapos sa kahirapan.

Nagkaroon ng mga command votes na ginamit upang pagtibayin ang pyudal na kalakaran; naglipana ang mga ghost roads, ghost bridges, ghost schools, ghost teachers, at ghost students, habang tumaba naman ang bulsa ng iilan,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sa ilalim pa rin ng ARMM ay walang takot na naglitawan ang mga warlord na humawak sa timbangan ng buhay at kamatayan para sa maraming mamamayan.

Umiral aniya ang isang kultura kung saan walang nananagutan, at walang katarungan; nawalan ng pagtitiwala ang mamamayan sa sistema, at nagnais na kumalas sa bansa.

Kaya nga, ginagawa niya ang lahat upang tiyakin na ang iba pang Bangsamoro stakeholders ay makikiisa sa proseso upang ang kapayapaan ay lalong mapagtagumpayan.

“Sovereignty resides in the people, and consistent with the constitution, a basic law will be drafted by a transition commission and will go through the full process of legislation in Congress. My administration has pledged to supporting a law that will truly embody the values and aspirations of the people of Bangsamoro. Any proposed law resulting from this framework will be subject to ratification through a plebiscite. Once approved, there will be elections,” ang diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, mananatili namang ipapatupad ng national government ang tinatawag na exclusive powers of defense and security, foreign policy,monetary policy at coinage, citizenship at naturalization.

“The Constitution and lawful processes shall govern the transition to the Bangsamoro, and this agreement will ensure that the Philippines remains one nation and one people, with all of our diverse cultures and narratives seeking the common goal. The Filipinos of Bangsamoro, on the other hand, will be assured a fair and equitable share of taxation, revenues, and the fruits of national patrimony. They will enjoy equal protection of laws and access to impartial justice,” aniya pa rin.

Ilalathala ng pamahalaan sa mga susunod na araw ang balangkas at mga prinsipyo ng kasunduang ito sa mga pahayagan.

Makikita, aniya, ang kabuuan ng kasunduan sa Official Gazette ng pamahalaan.

Kaya nga, inaanyayahan ni Pangulong Aquino ang lahat na makilahok sa pampublikong diskurso ukol sa kasunduan bago pa aniya magkaroon ng pinal na pirmahan.

Nakalahad aniya ang lahat sa Official Gazette dahil wala aniya silang balak na itago o ilihim ang nasabing kasunduan.

“Sinuri po namin nang maigi ang kasunduang ito; balanse ang ating naabot. Itinatama nito ang mali, at naglalagay ng mga mekanismo upang hindi na maulit ang nangyari sa nakaraan. Basahin po sana natin ang kasunduang ito hindi bilang “sila” at “kami,” kundi bilang nagkakaisang “tayo” sa ilalim ng bandilang Pilipino. Tapos na po ang panahon ng hindi pagkakaunawaan, at kung iisipin natin ang kapakanan ng isa’t isa, oras na lang ang usapan; oras na lang bago matapos ang karahasan; oras na lang bago maabot ang normalidad sa buhay ng mga Pilipinong nasa Bangsamoro,” ani Pangulong Aquino.

Binigyang diin ng Chief Executive na umabot na siya sa puntong ipalit ang Bangsamoro sa ARMM dahil sa tiwalang pumalit sa pagdududa.

May mga hamon pa aniya siyang kakaharapin kaya’t hinikayat niya ang taumbayan na naghahangad ng kapayapaan na gumawa ng paraan upang lalo pang lumawak ang tiwala sa mga araw na parating.

Manganganak, aniya, ito ng sunud-sunod na tagumpay kasabay ng tuloy-tuloy ang magiging pag-abot ng istabilidad; damay-damay ang buong bayan sa pag-unlad ng isang bahagi ng Pilipinas at dire-diretso sa katuparan ng mga pangarap.

“Ang tagal pong naging imposibleng isipin ng mga ito. Pero napatunayan natin: Walang imposible sa mga handang magkaisa, makiambag sa mga solusyon, at kumilos tungo sa pagkakasundo. Sa wakas, naabot na natin ang kapayapaang pundasyon ng ating mga mithiin para sa Bangsamoro, para sa Mindanao, at para sa buong Pilipinas,” ani Pangulong Aquino.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply