Katarungan, sigaw ng pamilya ng pinaslang na Chinese nat’l

UMAPELA ng tulong sa awtoridad ang pamilya ng pinaslang  na Chinese national kamakailan  sa Bulacan  na madaliin ang paglutas  sa krimen.

Ginawa  ng pamilya ng biktimang si Sanny Gan ang panawagan ngayong araw sa pamamagitan ng  Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated  (FFCCCII).

Ayon kay Ms. Mercy Lim ng FFCCCII na ililibing na bukas, araw ng Sabado si Sanny Gan, 22, pinatay ng magkapatid na suspek na Romeo Martinez at  Marlon Martinez, kapwa ng Barangay Tigpalas San Miguel,  Bulacan noong alas-7 ng gabi October 12 sa nabanggit na lalawigan.

Partikular na tinawagan ng pansin  ng FFCCCII ang Provincial Prosecutor ng Bulacan na pabilisin ang usad ng kaso upang maisampa agad sa korte na magpapalabas ng mandato de aresto para sa ikadarakip ng magkapatid na Martinez.

Naniniwala ang Federation na nakasalalay ngayon sa kamay ng provincial prosecutor ang mabilis na ikalulutas ng nabanggit na krimen.

Sa record ng pulis, alas-7 ng gabi noong October 12, 2012 ay pinagnakawan ng magkapatid na Martinez ang hardware ng pamilya Gan, at matapos ay pinagtulungang patayin ang biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply