Katorse anyos hinalay bago pinatay

HINIHINALANG hinalay muna bago pinaslang ang isang 14-anyos na dalagita sa T’boli, South Cotabato.

Sa imbestigasyon ng T’boli PNP, mismong ang ina ng bata ang nakakita sa kanyang anak na wala nang buhay sa isang palm plantation sa nasabing lugar.

Natagpuan ang biktima na walang saplot at mismong ang panty pa nito ang ipinambusal sa kanyang bibig.

Batay sa pahayag ng mga kaibigan, natungo ang biktima sa isang disco party at sumakay ito sa isang motorsiklo pero hindi ito nakita sa nasabing party.

Ayon din sa ulat ni PO2 Elmer Tira, may nakakita pa sa dalagita na may kasama ito bago natagpuang patay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply