Katribu: Dam failure sa Philex dulot ng kapabayaan

IRESPONSABLENG pagmimina ang dahilan ng pagkasira ng dam.”

Ito ang mensahe ng mga katutubo at environmentalists na nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng opisina ng Philex Mining Corporation sa Ortigas.

Balot ng putik na sumisimbulo sa epekto na naidulot ng pagkasira ng dam sa mamamayan, nanawagan ang grupo na isara na ng Philex ang kanilang Tailing Pond no.3(TP3) at kung hindi nila ito magagawa ay “mas maigi na itigil na ng Philex ang kanilang operasyon sa Benguet.”

Ayon kay Kakay Tolentino, Dumagat na tagapagsalita ng Katribu, “Hindi maitatangi ng Philex Mining Corp. na ang kanyang pagiging iresponsableng pagmimina at ang hindi maayos na pagmimintina ng kanilang dam ang naging dahilan upang bumigay at masira ng Tailing Pond no.3(TP3) sa kanilang Padcal Mining Project.”

“Taong 2004 at 2009 ay nagkaroon na rin ng kaparehong waste spill mula sa TP3. Subalit imbes na patibayin ang TP3 o di kaya ay magtayo ng bagong dam ay tila ‘band aid approach’ ang ginawang pagsasaayos ng Philex Mining sa nasabing dam. Ang huling pagkasira nito noong August 1 ay isang malinaw na halimbawa ng kapabayaan sa hanay ng Philex Mining Corporation at ang kapabayaan na ito ay isang malaking kabaliktaran sa kanilang propaganda na “Responsible Mining,” ayon sa grupo.

Tinatayang aabot ng mahigit na 20 milyon tonelada ng waste spill na nagmula sa TP3 ang natapon sa ilog ng balog. Higit ng malaki ng 12 beses mula na Marcopper Spill.

Nanawagan din ang grupo na magkaroon ng isang Independent environment Study para matukoy ang tunay na epekto ng pagkisira ng dam sa kalikasan at mga kalapit na komuninad at mamamayan nito. Nanawagan din ang grupo na hayaang makapasok ang mga media sa loob ng minahan ng Philex.

“Media block out ang ginagawa ng Philex, hindi nito hinayaang makapasok ang mga media sa loob ng kanilang compound. Ang pagbabawal na ito ang isang halimbawa kung paano kinokontrol ng Philex ang impormasyon na mula sa koob ng kanilang minahan. Tanging tagapagsalita lamang nito ang pinagmumulan ng impormasyon, mga impormasyon na tanging puro pampa-pogi lamang ang laman, ” ayon kay Tolentino.

“Kung talagang walang tinatago ang kumpanya ito, ay hinahamon namin sila na hayaang makapasok ang media para mailahad ang tunay na kalagayan sa loob ng minahan at gayon din ang mga independent engineer at scientist na magaaral ng tunay na kalagayan at epekto ng pagkasira ng dam,” sabi ng grupo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply