Katunggali ni Jinkee sa Sarangani, pinaaatras

PINAPAATRAS na sa kanyang pagtakbo ang katunggali ni Jinkee Pacquiao na tatakbong Vice Governor sa lalawigan ng Sarangani upang wala nang makahahadlang sa pagpasok ni Jinkee sa larangan ng pulitika.

Ito ang ipinahayag ni Board Member Eleanor Saguiguit na siyang makakalaban ni Jinkee sa pagtakbo sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Saguiguit, may mga emisaryong lumapit sa kanyang upang hikayatin ito na hindi na lang tumuloy sa kanyang ambisyon bilang Vice Governor at inalok ito ng isang posisyon subalit hindi na sinabi ni Saguiguit kung magkano ang inalok na pera upang itoy umurong na.

Napag-alaman na kumakalat na ngayon sa buong lalawigan ang balitang pag-atras umano ni Saguiguit sa kanyang pagtakbo subalit ito’y kanyang mariing pinabulaanan kahit marami pa ang pera ng kanyang makakalaban sa pulitika.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply