Kawani ng NHA, nagprotesta vs PNoy

PATULOY na sakripisyo sa trabaho at nararanasang kahirapan pa rin ang idinadaing ng halos mayorya ng mga kawani ng National Housing Authority bilang pagkondena sa anila’y panggigipit ng administrasyong Aquino matapos maglunsad ng kilos protesta kaninang tanghali.

Ayon kay Rosalinda Nartatez, Pangulo ng Unyon ng manggagawa sa NHA, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang Pangulo ng bansa ang nakakaramdam at tumugon ng panawagan upang maibsan ang kanilang kahirapan .

Kaninang tanghali ay itinaon ng mga kawani ng NHA ang break time kung kaya nagsilabas ang mahigit sa daang kawani ng ahensiya at nagsagwa ng kilos protesta sa harapan ng kanilang tanggapan at nanawagan na maibigay sa kanila ang kakulangan sa kanilang mga benepisyo  .

Magmula, aniya, ng Martial law hanggang sa kasalukuyang administrasyon ay wala ring nagawa sa kanilang mga reklamo at patuloy na binabalewala ang nararanasang hirap ng mga rank and file employees ng NHA .

Nagpapalit-palit na aniya ang administrasyon ngunit wala pa ring nangyayari sa mga idinulog  nilang Collective Negotiations Agreement o CNA ng halos may anim na beses tungkol sa kanilang suweldo upang maging maalwan sana man lang ang kanilang pamumuhay ngunit  wala rin aniyang  magawa ang administrasyong Aquino na maibigay ito kahit makontrol ang pagtaas ng presyo ng gasolina , kuryente at pangunahing bilihin at gastusin sa edukasyon ng kanilang mga anak na labis na nakakaapekto aniya sa maliliit na manggagawa ng gobyerno.

Inanunsiyo lamang noon ng Pangulong Aquino sa kanyang SONA ang panawagan ng pagtitipid ngunit tuloy pa rin, aniya, ang pagbibigay nila ng magarbong mga benepisyo sa ilang ahensiya ng gobyerno na kinasasangkutan ng LWWA .

Noong panahon, aniya, ng nagdaang administrasyon ay pansamantala lamang ang kanilang natanggap na benepisyo mula ditto ngunit mukhang nagamit pa aniya ng kasalukuyang administrasyon na hindi rin naituloy at sinasabing nasa likod umano nito ang dikta ng Dapartment of Budget and Management at Commission on Audit kung kaya hindi mabigay ni Pangulong Aquino ang kanilang mga hinihingi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply