Kayod karayom tungo sa tagumpay

PAANO ba abutin ang tagumpay na tila lumulusot sa butas ng karayom?

Maaaring karamihan sa atin ay nakaranas na kung gaano kahirap maglusot ng sinulid sa butas ng isang maliit na karayom. Focus, tiyaga, pasensya, diskarte at matinding konsentrasyon ang kailangan upang magawa ang simpleng bagay na ito.

Ito ang nagsisilbing panimula o unang hakbang na kailangan upang makagawa ng isang maganda at komportableng kasuotan. Ganyan maihahalintulad ang naging buhay ni Edel, isang OFW sa San Francisco, California.

Taong 1987 nang lisanin ni Edel ang Pilipinas upang makipa-mayan at hanapin ang kanyang kapalaran sa ibang bansa.

Mula sa pagiging isang checker sa isang bakery ay naging sastre sa isang tailoring shop sa California si Edel. Hindi niya alintana ang hirap at lungkot na kanyang sinuong upang kumita at makatulong sa pamilyang naiwan sa Pilipinas.

“It’s a bit hard to stay here pag wala kang family at relatives. Mahirap din mag-umpisa,” kwento niya

Sa loob ng dalawang buwan na pagtatrabaho sa bakery, nara-nasan niyang magbuhat ng deliveries, kung saan mabibigat na kahon ang kanyang binubuhat, maging ang pagtitinda ng tinapay ay pinasok rin niya.

Hindi nagtagal ay lumipat siya ng trabaho sa isang tailoring shop.

Dahil na rin sa mayroon siyang kaalaman at karanasan sa pananahi ay naging madali lamang kay Edel ang trabaho niya roon.

“Ang tailoring dito puro mga repair lang, mga alteration lang. Putol ng pantalon, putol ng mga manggas ng amerikana kaya very easy,” aniya.

Taong 1994 nang magsimulang makapagpatayo ng sarili niyang tailoring shop si Edel, nasundan ito ng garment factory na kanya ring naitatag sa Pilipinas,

Sa patuloy na pagsisikap at pagtitiyaga, unti-unting umunlad at lumago ang kanyang mga negosyo. Hanggang sa mabigyan niya ng maganda at maayos na buhay ang kanyang pamilya, na hindi nagtagal ay isinama na niya sa Amerika para doon na rin manirahan.

Ang buhay ay tila isang paghahabi o pananahi at gaya ng isang sinulid na sumusuot sa butas ng karayom, hindi alintana ang pabalik-pabalik na pagharap sa pagsubok, upang makagawa ng isang maayos at magandang damit, nararapat lamang na matuto tayong bumangon mula sa mga pagsubok ng buhay na ating kinahaharap.

Sapagkat gaya ni Edel, ang ating mga pagtitiis ay maaaring magbunga rin ng matamis na tagumpay.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply