Kelot binoga ng 3 armado, dedo

BUMULAGTA sa gitna ng mga naglalaro ng cara y cruz ang isang lalaki nang pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Bongbong Dullano Ibanez, pedicab driver, ng Riverside Katuparan st., Road 10, Vitas, Tondo.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga armadong suspek na kaswal lamang na naglakad papatakas.

Ayon kay PO3 Julieto S. Malindog, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 8:00 ng gabi nang maganap ang nasabing pamamaril sa harapan ng Building 3, Katuparan Building sa Vitas Road 10, sa Tondo.

Habang nanonood umano ng cara y cruz ang biktima ay dumating ang live-in partner niyang si Mary Anne Santos, 30, nang lumutang ang tatlong lalaki na armado ng baril at inutusan ang mga manlalaro na walang tatayo habang nakatutok umano ang mga baril, subalit ang biktima at live-in partner ay nagtangkang umalis sa lugar kaya nilapitan ng isa sa mga suspect at pinaputukan ng baril sa ulo na tumama sa kaliwang bahagi itaas ng mata at likuran ng ulo.

Dahil sa takot at pagkabigla, nagkanya-kanya namang takbo ang iba pang naglalaro at naiwang duguang nakabulagta ang biktima.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo mula sa  kalibre 9MM na pistol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply