Kelot binoga sa ulo, dedo

PATAY ang isang lalaki matapos na barilin ng di nakilalang suspek kaninang madaling araw sa Baseco Compound sa Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jaime Manalo, na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, dakong ala 1:30 kaninang madaling araw nang maganap ang pamamaril sa biktima .

Ilang residente sa lugar umano ang nakarinig ng dalawang putok ng baril ngunit hindi nila ito pinansin hanggang sa matagpuan na lamang si Manalo na duguan, nakahandusay at duguan.

Sa imbestigasyon, inakala lamang umano ng ilang residente sa lugar na lasing ang biktima kaya dinadaan –daanan lamang ito na nakahiga .

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam ang motibo ng suspek na kaswal lang na tumakas patungo sa di malamang direksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply