Kelot dumayb mula sa 4th floor ng condo, tigok

TUMALON nang hubo’t hubad ang lalaking pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip sa kanyang tinutuluyang condominium building sa Fairview, Quezon City kahapon ng hapon (Oktubre 9).

Dead on the spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na si Douglas Dichoso, 31, residente ng Smile Citihomes sa Barangay Kaligayahan.

Tinangka namang i-revive ng mga rescuer si Dichoso na nahulog mula sa ika-apat na palapag ng gusali pero hindi na rin ito naisalba pa.

Nadatanan ng pulisya ang condominium unit ni Dichoso na wala sa ayos.

Sinabi ni Mary Grace, kapatid ni Dichoso, na napansin na niyang may malaking pagbabago sa ikinikilos ng kanyang kapatid nitong mga nakaraang araw.

Nakatakda na niyang dalhin ang namatay na kapatid sa isang psychiatrist para malaman ang kondisyon nito pero huli na dahil tumalon na ito sa kanyang condominium.

Idinagdag din nito na hindi niya alam kung ano ang bumabagabag sa kanyang kapatid dahil hindi naman nila napapag-uusapan ang problema nito.

“Hindi siya nag-o-open up sa akin, pero alam ko meron [siyang problema].Since ‘di niya ako kinakausap, kailangan ko ng magtawag ng professional help,” pahayag pa ni Mary Grace.

Sinabi rin ni Mary Grace na nagbitiw ang kanyang kapatid sa trabaho ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply