Kelot hinataw ng baseball bat sa ulo, dedo

TODAS ang isang lalaki matapos ilang ulit na hatawain ng baseball bat sa ulo ng isa sa grupo na nakatalo sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng pinsala sa ulo si Vernard Derania, 35, ng Atis Road, Potrero ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, kasabay na naglalakad ng biktima si Noel Nolasco at pagtapat sa Astro Hotel sa Monumento ng lungsod ay nasagi ng biktima ang isang babaeng hindi nakuha ang pangalan.

Inakala ng grupo ng babae na sinadya ng biktima ang pagsagi kaya kinompronta ang biktima.

Habang nag-uusap ay pinaghahataw ng isa sa mga katalo ang ulo ng biktima gamit ang baseball bat.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang isang alyas Bong at mga kasama nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply