Kelot kulong sa panglalamas ng dibdib ng 2 bebot

KULONG ang isang lalaki matapos lamasin ang mga dibdib ng dalawang bebot kasama ang isang dalagita sa Navotas kaninang madaling araw, Oktubre 29.

Nakilala ang suspek na si Leonar Gaspar, 21, ng Daanghari ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw, nagbibisekleta ang suspek sa Humabon st., Daanghari nang lapitan at lamasin ang dibdib ni Danica Casiñas, 22.

Hinawi ng dalaga ang kamay ng suspek at nagsisigaw upang humingi ng tulong na naging dahilan upang umalis ang suspek sakay ng bisekleta hanggang sa madaanan ang dalagitang edad-16.

Nilapitan ng suspek ang dalagita at nilamas din ang dibdib na nagsisigaw at nagsulputan na ang mga nakatambay at mabilis na nadakip at dinala sa presinto ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply