Pedicab driver nasagasaan ng tren, patay

(UPDATE) TODAS ang isang pedcab driver matapos na masagasaan ng tren sa G.Tuazon, Sampaloc, Maynila, kaninang umaga.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 4 Investigator SPO1 Valente Alvarez, tumatawid sa riles ang biktima na si Sergio Salazar, 38, pedicab driver nang mahagip ng tren.

Nakita umano ni Salazar na may paparating na tren sa may southbound ng riles kung saan may grupo ng mga batang naglalaro, kaya pinuntahan niya ito at sinaway.

Ngunit nang paalis na ang biktima, hindi niya napansin ang tren na galing naman sa northbound at papalapit na sa kanyang likuran.

Pinilit pa ng isang guwardiya na bigyan ng warning si Salazar pero huli na ito at tuluyang nang nasagasaan ang biktima.

Nadala pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply