Kelot na senglot natulog sa kalsada, pisak sa dyip

HALOS hindi na makilala ang bangkay ng isang lasing na lalaki na nakatulog sa kalsada matapos malasog ang katawan at mapisak ang ulo nang magulungan ng pampasaherong jeep sa Barangay Poblacion, bayan ng Bacnotan, La Union kaninang madaling araw.

Nabatid na bandang alas-3:00 ng madaling araw nang masagasaan ng jeep ang biktimang si Jonard Liman, residente ng Barangay Lacong sa bayan ng San Gabriel sa nasabing lalawigan.

Lasing umano ang biktima na humandusay na lamang sa gitna ng naturang kalsada at doon natulog na hindi naman napansin ng driver ng nasabing jeep na si Dominador Labitoria, ng Tagudin, Ilocos Sur.

Inakala pa ng driver na aso lamang ang kanyang nasagasaan ngunit ng makumpirma sa mga residente na tao ito ay agad na sumuko siya sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply