Kelot naaktuhang sumisinghot ng shabu, dinampot

KALABOSO ang isang lalaki matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu sa bakanteng lote sa Caloocan City, kagabi, Oktubre 19.

Nakilala ang suspek na si Salvador Morilla, 49 ng Zenia St., Area A, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi, nagsasagawa ng operation ang mga pulis sa nasabing lugar laban sa isang alyas Muslim na nagbabagsak ng shabu sa lugar.

Habang naggagala ang mga pulis ay nakita ang suspek na sumisinghot ng shabu sa bakanteng lote na naging dahilan upang lapitan at dakpin.

Nakuha sa suspek ang shabu paraphernalia at isang bukas na sachet ng shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply