Kelot nahulog sa barge, dedo

PATAY ang isang lalaking trabahador ng isang international tankers matapos mahulog umano at malunod sa ilog sa Sta. Ana, Maynila, kagabi.

Sa inisyal na report ni SPO1 Ramir Dimagiba, imbestigador ng Manila Police District – Homicide Section, nakasakay umano ang biktima sa barge nang bigla itong mahulog dahilan upang malunod at mamatay.

Inaalam naman ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkakahulog ng biktima sa barge.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Hindi naman pinayagan ng pamunuan ng International Tankers Incorporation, isang shipping agency na matatagpuan sa Lamayan St., Sta.Ana, Maynila ang mga media na makapasok sa loob.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply