Kelot nakabili ng tangay na motorsiklo, isinauli sa may-ari

ISINAULI ng isang mister ang nabiling tangay na motorsiklo sa may-ari nito sa Malabon City, Lunes ng gabi (Oktubre 15).

Laking pasasalamat naman ni Neptali Limon Jr., 27 at naibalik sa kanya ang matorsiklong Yamaha Nauvo.

Ayon sa biktima, noong Setyembre 8, 2012, hiniram sa kanya ng isang Edgar Allan Donato ng Baltazar St., 10th Avenue ang kanyang motosiklo subalit hindi na naibalik na naging dahilan upang ireport sa mga pulis.

Kagabi, nagpunta sa bahay ni Limon si Niño Cordero na dala ang motorsiklo na ibinenta umano sa kanya ng isang Michael Flores kasama ang hindi pa kilalang lalaki sa halagang P23,000.

Nabatid na nakita ni Cordero ang TIN identification card (ID) ni Limon sa compartment ng motorsiklo at agad na hinanap ang huli upang alamin kung sa kanya talaga ang nabiling motorsiklo.

Nagkasundo sina Cordero at Limon na ibabalik sa huli ang motorsiklo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply