Kelot pinagtataga ng ama, patay

TAYUG, Pangasinan – Patay ang isang 25-anyos na binata matapos itong pag tatagain ng sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Tayug, Pangasinan, kamakalawa.

Ang biktima na hindi na umabot sa pinakamalapit na ospital ay nakilalang si Ariel Alias, ng Barangay Legaspi, sa nasabing munisipalidad.

Samantala ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Tayug police detention cell ay nakilalang si Leonardo Alias, 62.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tayug Philippine National Police (PNP) nakainom umano ang biktima ng dumating sa kanilang bahay at nagwawala.

Ayon sa police, pilit umanong inaawat ng kanyang ama ang anak ngunit hindi nagpapigil ang batang Alias.

Dito napilitang kumuha ng jungle bolo ang matandang Alias at pinagtataga ang kanyang sariling anak.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang ama ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply