Kelot pisak sa 10-wheeler truck, tigbak

HALOS hindi na makilala ang isang lalaki matapos itong masagasaan ang buong katawan ng ten wheeler truck sa may Cugman Highway, Cagayan de Oro.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay ang biktima ng kanyang bisikleta ngunit nang tumawid na ito, ay bigla na lang siyang nasagasaan ng 10-wheeler truck.

Sinubukan pa na dalhin sa Northern Mindanao Medical Center ang biktima, ngunit binawian rin ito ng buhay pagkalipas ng ilang minuto.

Nalaman na boluntaryong sumuko ang drayber ng 10-wheeler truck na kinilalang si Primo Dagoan Jr. residente ng Baluarte Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa ngayon, kasong reckless imprudence resulting to homicide ang haharapin ng driver, habang nasa Everlasting Funeral Homes ngayon ang lasog-lasog na katawan ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply